Nagpahayag ng pakikiramay ang Estados Uidos sa Pilipinas kasunod ng pagbagsak ng isang C-130 military plane sa Sulu kahapon.
Sa isang statement, sinabi ni National Security Advisor Jake Sullivan na nakikiramay ang US sa mga pamilya ng mga nasawing sundalo.
Aniya, handa ang US na magbigay ng suporta sa bansa para sa disaster response.
Mababatid na 50 katao ang nasawi dahil sa pag-crash ng Philippine Air Force C-130 plane kahapon sa Patikul, Sulu.
47 sundalo at tatlong sibilyan ang nasawi sa trahedya, habang 49 iba pang sundalo ang na-rescue at ginagamot na sa ospital.
Matatandaang nag take off ang C-130 na mayroong tail number 5125 mula Lumbia Airport sa Cagayan de Oro City kahapon at lalapag na sana sa Jolo port sa Sulu nang mag-crash ito.
ipinag-utos na ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang malalimang imbestigasyon sa insidente.