Nag-alok ang United States ng $10-million reward para sa makakapagbigay ng impormasyon na tutukoy sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng lider ng Afghanistan regional chapter ng Islamic State group.
Ang reward na inalok ng US State Department ay para rin sa impormasyon na makakatulong sa pag-aresto o pag-convict sa mga nasa likod ng terrorist attack sa Kabul airport noong August 26, 2021, na gawa umano ng Islamic State-Khorasan (IS-K).

Ayon sa Washington, si Sanaullah Ghafari o kilala rin bilang si Shahab al-Muhajir — ay itinalagang head ng IS-K noong June 2020 ng Islamic State group.
Ang IS-K ay isang Afghan offshoot ng IS, na nagmula sa Iraq at Syria. //MHEL PACIA-TRINIDAD