US Deputy Secretary – idiniin sa China na matatag ang relasyon ng Amerika at ng Pilipinas

Ipinarating ng Estados Unidos sa China ang pagkabahala ukol sa kanilang “destabilizing actions” sa South China Sea, kabilang ang sa Second Thomas Shoal o Ayungin Shoal.

Ayon kay U.S. Department of State Spokesperson Matthew Miller, sa isang phone call, ipinarating ito ni U.S. Deputy Secretary of State Kurt Campbell kay Chinese Vice Foreign Minister Ma Zhaoxu.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Pinagtibay din ni Campbell ang suporta ng Estados Unidos para sa kalayaan sa paglalayag at ang mapayapang resolusyon ng mga sigalot, alinsunod sa international law.

Read More:  6 Central Luzon provinces declared among hardest-hit by typhoons and Habagat

Muling binigyang-diin ng Deputy Secretary na nananatiling matatag ang commitment ng Estados Unidos sa Pilipinas sa ilalim ng Mutual Defense Treaty.

Samantala, binigyang-diin din ni Campbell ang kahalagahan ng pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa Taiwan Strait.