Updating sa bagong listahan ng 4ps on going pa; Camarines Sur may mahigit 121K active beneficiaries

NAGA CITY- 121, 664 ang bilang ng mga active Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries  sa probinsya Camarines Sur as of June 2022 , base sa tala ng Department of Social welfare and Development (DSWD) Bicol; ang benepisyaryo ay ina-update  pa sa kasalukuyan.

Ibinahagi sa Brigada News FM Naga ni Joy Ann Bisa-Tagum, Regional Grievance Officer ng 4Ps na sa bilang na ito, ang bayan  ng Libmanan ang may pinakamarami na mayroong mahigit 6, 500 na benepisyaryo, ang probinsya naman ang pinakamarami sa Bicol Region.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Paliwanag ni Tagum, may mga pamamaraan upang magtanggal sa listahan at magdagdag.

Tinitinggan kung pasok sa kwalipikasyon base sa batas; dapat na-assess  o na-interview, na-identify sa LISTAHAN bilang mahirap na pamilya, may anak na na below 18 ang edad, may buntis sa tahanan at nangangako na tutuparin ang mga kondisyon tulad ng pag-papaaral sa mga anak.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Ang mga hindi na kasama sa programa ay inaabisuhan naman ng DSWD; inalis na o naka graduate na base sa assessment. Kung nag-improve na ang kalidad ng pamumuhay o di kaya ay mga nalabag sa programa.

Hindi pa masabi kung gaano karami ang mababawas o madaragdag na benepisyaryo.