KORONADAL CITY – GENERALLY peaceful ang isinagawang pag-obserba ng Undas 2023 sa buong Rehiyon-12. Ito ang ayon sa Police Regional Office o PRO-12 kung saan wala ng naitalang malalaking insidente simula noong Nobyembre 01 hanggang 02, 2023.
Sa datos ng PNP, nasa 2,498 na mga pulis ang kanilang nai-deploy na silang tumutok sa pagbantay sa dumagsang tao sa mga sementeryo sa buong SOCCSKSARGEN.
Maaalala, na nasa 184 lahat na mga Police Assistance Desks o PADs ang itinayo sa lahat ng mga sementeryo sa rehiyon dahilan na nasiguro ang katahimikan at kaligtasan ng lahat.

Kaugnay nito, lubos ang pasasalamat ni PBGen. Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office o PRO-12 sa lahat ng mga nag-augment sa seguridad para sa UNDAS na kinabibilangan ng PNP stations, community-based volunteers, civic groups at mga government counterparts.
Kaugnay nito, nakahightened alert padin hanggang sa ngayon ang PRo-12 upang masiguro ang seguridad ng mga byahero lalo na sa mga terminal na mula sa kanilang mga bahay patungong trabaho.
Sa kabila na nagtapos na ang BSKE at UNDAS 2023, magpapatuloy ang kanilang pagtatrabaho upang masiguro ang seguridad ng publiko at mapanatili ang katahimikan ng Rehiyon-12.