CENRO-Koronadal, umaasa na mauunawaan ng publiko ang tamang pagtatapon ng basura

KORONADAL CITY- UMAASA ngayon si City Environment and Natural Resources o CENRO Officer Agustus Bretana ng Koronadal na mauunawaan ng mga mamamayan ng lungsod ang kahalagahan ng tamang pagtatapon ng mga basura.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay Bretana, inihayag nito na nagpapatuloy ang kanilang kampanya upang maabot ng lungsod ang hinahangad na garbage-free city.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Ayon sa opisyal, na ito ang isa sa mga dapat na unahin upang maging beautifully-landscaped, green at garbage-free city ang Koronadal.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Inihayag ni Bretana, na ito ay maaabot ng lungsod sa pamamagitan ng pagtutulungan ng lahat, dahil hindi ito makakaya ng city government kung mismo ang mga departamento lamang ng gobyerno ang magatrabaho para dito.