CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng mataas na bilang ng mga pasyenteng gumaling sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte
Sa ulat sa COVID-19 ng DOH Bicol kahapon, nasa 95 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit dahilan upang sumampa na sa 3,152 ang total recoveries sa lalawigan
Ito ang una sa highest single day record of recoveries na naitala ngayong pagpasok ng taong 2022 matapos ang tatlong linggong pagspike ng bilang ng mga bagong kasong naitala sa lalawigan
Sa kabila nito, 21 bagong kaso rin ang naitala mula sa bayan ng Daet na may anim, nakapagtala naman ngtig-limang bagong kaso ang bayan ng Basud at Jose Panganiban habang may tig-dalawang kaso ang bayan ng San Lorenzo Ruiz at Talisay at isa ang nagmula sa Labo
Bagamat may naitalang bagong kaso mas malaki pa rin ang bilang ng mga niatalang gumaling kung kayat bumaba na sa 592 ang aktibong kaso ng sakit sa Camarines Norte
Wala namang nadagdag na kaso sa mga nasawi kung kaya’t nananatili ito sa bilang na 201
Sa kasalukuyan ang lalawigan ay mayroong 3,945 total cases
Paalala naman ng Department of Health sa publiko na huwag maging kampante at kasabay nito, patuloy na hinihimok nito ang mga mamamayan na hindi pa nababakunahan na makipag ugnayan na sa kanila- kanilang LGUs para mabigyan na ng schedule sa pagbabakuna.
