SORSOGON CITY- ‘Clinically recovered’ na ang 38-anyos na lalaki na kauna-unahang kaso ng Covid-19 Delta variant sa bayan ng Pto. Diaz, Sorsogon, ayon ito sa Municipal Administrator na si Christian Lloyd Goyena sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon.
Dagdag pa ng opisyal, lahat ng close contact ng nasabing pasyente ay nagnegatibo rin sa swab test.
Nabatid na ang pasyente ay nagkaroon ng travel history sa Santa Rosa, Laguna, sumailalim ito sa mandatory quarantine sa municipal quarantine facility ng Prieto Diaz, mula ika-5 hanggang ika-20 ng Agosto at asymptomatic.
Ang kaso ay itinuturing naman ng LGU bilang isolated case kung kaya’t hindi na nagkasa ng mas mahigpit na mga panuntunan sa kanilang bayan.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan ng Prieto Diaz na patuloy nilang ipinapatupad at ipinapaalala sa publiko na sumunod sa minimum health standards at huwag magpakakampante mula sa banta ng nasabing sakit.

