Unang araw ng DOH national vaccination Day III sa Bicol, sinimulan na 

LEGAZPI CITY – Nagsimula na ang unang araw para sa ikatlong bahagi ng National Vaccination Day ng Department of Health (DOH) Bicol sa iba’t ibang probinsiya ng rehiyon.

Ilan sa mga lugar sa Albay kung saan nagsagawa ng pagbabakuna ay ang Legazpi, Rapu-rapu, Ligao at Guinobatan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nagsagawa naman ng pagbabakuna sa ilang bahagi ng Camarines Sur katulad ng Naga, Ocampo at Cabusao, kung saan pinangunahan nina Assistant Secretary of Health Dr. Nestor Santiago, Jr. at Bicol CHD Regional Director Ernie Vera ang monitoring sa nasabing probinsiya.

Sinimulan na rin ang pagbabakuna sa Panganiban, Catanduanes, Cataingan, Masbate at Pilar, Sorsogon.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Isasagawa naman sa Pebrero 11 ang pangalawang araw ng pambansang bakunahan sa iba pang mga lugar sa nasabing rehiyon.

Patuloy pa ring hinihikayat ng DOH ang hindi pa nababakunahang mga Bikolano na may edad na 12 pataas na magpabakuna upang maprotektahan ang sarili laban sa malalang epekto ng COVID-19.