Dineklara ng Comission on Elections (COMELEC) na naging mapayapa ang unang araw ng pag-file ng mga certificate of candidacies (COC) ng mga tatakbo sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Chairman George Erwin Garcia, wala silang nakitang aberya dahil naging maayos ang naging proseso ng mga kakandidato sa iba’t ibang lugar.
Sinabi nito na buhay na buhay ang demokrasya dahil marami ang nag-aambisyon na maging opisyal.
Inihayag ng COMELEC na mayroong 672,432 na posisyon ang dapat punan sa BSKE, na isasagawa ang eleksyon sa ika-30 ng Oktubre.
