Umano’y ‘phone call’ sa pagitan ng China at WesCom chief – tinabla ng DND, Navy

Parte lamang daw ng ‘disinformation campaign’ ng China ang umano’y phone conversation sa pagitan ni AFP WesCom at Chinese officials sa new model arrangement daw sa Ayungin shoal.

Muling tinawag ni Navy spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Roy Vincent Trinidad, na ‘zombie story’ ito para lituhin ang ispan ng publiko

Sabi naman ni Defense Sec. Gibo Teodoro – wala itong katotohanan; at kung totoo aman daw ito, patunay daw ‘yan na paglabag sa Anti-Wiretapping Law ng bansa.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa ngayon, ipauubaya na raw niya sa Department of Foreign Affairs ang imbestigasyon hinggil sa naturang isyu.

Sa huli, tiniyak ni Teodoro na kung totoo man ‘yan ay mananagot ang opisyal at palalayasin sa bansa.

Nauna nang kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines na nag-leave simula kahapon si WesCom Commander Vice Admiral Alberto Carlos.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Pero wala raw itong kinalaman sa new model arrangement sa Ayungin.

Kung maaalala – unang iniulat sa Bloomberg News na mayroon umanong ire-release ang isang Chinese official ng transcript ng sinasabing pag-uusap ng Chinese official at ni Western Command (Wescom) Commander Vice Admiral Alberto Carlos.

Saklaw umano ng transcript na ito ang 2 minuto ng 12-minute phone call.