Umano’y pag-akyat sa Bulkang Mayon ng mga backdoor climbers, pinaiimbestigahan na ng DOT Bicol at PGA

LEGAZPI CITY – Pinaiimbestigahan na ng Department of Tourism (DOT) Bicol, Pamahalaang Panlalawigan ng Albay at iba pang ahensya ng gobyerno ang diumano’y pag-akyat ng mga backdoor climbers sa summit ng Bulkang Mayon.

Muling iginiit ng mga ito ipinagbabawal ang pag-akyat sa summit ng nasabing bulkan alinsunod sa umiiral na Provincial Ordinance 2016-23.

Read More:  11 arrested after alleged ecstasy drug den busted in Davao City

Mariing kinundina ng nasabing mga tanggapan ang pag-akyat ng mga turista sa bulkan dahil mayroon pa rin itong banta ng phreatic explosions, kaya ang mga aktibidad sa loob ng 6-kilometer permanent danger zone ay hindi pinahihintulutan upang maiwasan ang pinsala sa mga buhay at ari-arian.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Pinaalalahanan din ng DOT Bicol ang mga turista na kumonsulta sa mga DOT-accredited tour operators, guides, at establishments kapag bibisita sa rehiyon.