Umano’y mga holdaper sa Tacurong City, huli sa bayan ng Tantangan, South Cotabato

KORONADAL CITY — ARESTADO sa bayan ng Tantangan, South Cotabato ang dalawang lalaki na mga suspek sa nangyayaring hold-up sa Tacurong City.


Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Police Capt. Junel Rey Gatera , OIC chief of Police ng Tantangan PNP, kinilala nito ang mga suspek na si Ula Abdul Abidin , 23-anyos, single at residente ng Barangay Maindang, Lutayan, Sultan Kudarat at isang alyas Asam, menor de edad at residente ng Kalbugan, Pagalungan, Maguindanao.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting


Ayon kay Gatera na nahuli ang dalawa matapos ang mas pina-igting na pagbabantay ng Tantangan PNP sa kanilang mga borders dahil sa mga nangyayaring hold-up sa isang barangay ng bayan.


Nakuha naman sa u-box ng motorsiklo ng mga suspek ang isang baril at mga bala.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port


Positibo namang kinilala ng limang biktima ng hold-up sa Tacurong City ang dalawang nahuli.


Sa ngayon, apat na suspek na ng panghohold-up ang nahuli ng Tantangan PNP.


Umaasa naman si Gatera na makakakuha ng impormasyon mula sa mga nahuli ukol sa kanilang lider sa krimen.