Umano’y ICC warrant – minaliit lang ni dating PNP chief Sen. Dela Rosa

‘Sige ka ngalngal nang ngalngal sa ICC’

Ito na lang ang naging reaksyon ni dating PNP chief, at Senador Bato dela Rosa sa mga panibagong ‘pasabog’ ni dating senador Antonio Trillanes hinggil sa umano’y nakatakdang paglabas ng warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) laban sa kaniya, dating pangulong Rodrigo Duterte, at iba pang mga dating opisyal ng nagdaang administrasyon.

Hinamon ni dela Rosa si Trillanes na ipagpatuloy niya lang ito, at sinabing – kahit na siya pa raw ang magsilbi ng warrant, at magposas sa kaniya.

Kung maaalala, sa isang pulong balitaan ay inanunsyo ni Trillanes na sa mga susunod na buwan ay ilalabas na ng ICC ang arrest order laban sa kanila.

Ibinunyag niya rin ang ‘di umano’y destabilization plot laban sa Marcos Administration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *