Umano’y CTG member patay sa engkwentro sa Camarines Sur

NAGA CITY- Patay ang hinihinalang rebelde sa engkwentro sa Camarines Sur.

Sa ulat ng 9th Infantry Division Phil. Army napaslang ang isang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG) matapos na maka-engkwentro ang 49th Infantry (GOOD SAMARITAN) Battalion sa Barangay Sta. Teresa sa bayan ng Baao, Camarines Sur, alas-10:15 ng gabi, nitong Lunes, Setyembre 19.

Nakasaad sa ulat ng 49IB, nagsasagawa ng security operation ang mga tropa bilang partisipasyon sa isasagawang Retooled Community Support Program (RCSP) sa barangay ng iba’t-ibang ahensiya ng gobyerno nang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa presensya ng mga armadong kalalakihan.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Agad na nirespondehan ng mga sundalo ang nasabing sumbong at doon nila nakasagupa ang nasa limang miyembro ng CTG. Tumagal ng walong minuto ang palitan ng putok.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang ilang kagamitan ng armadong grupo na kinabibilangan ng: isang M16 Bushmaster Rifle; 84 na piraso ng bala para sa M16; tatlong magazine para sa M16; isang bandolier; tatlong cellphone; isang commercial radio; isang stethoscope; at tatlong bag na naglalaman ng personal na kagamitan ng mga terorista.

Wala pang pagkakakilanlan ang nasawing umano’y rebelde.