Kinumpirma ng isang barangay kagawad sa Barangay 4, Roxas na may kumuha na sa mga baka na nahuli kamakailan sa munisipyo.
Ito ang mga baka na naka-disgrasya sa mag-amang sakay ng motorsiklo noong ika-27 ng Agosto 2022.
Ang may-ari ng baka ay nakipag-ugnayan na sa mag-amang na-ospital para umano tumulong sa gastusin.
Kinuha umano ito ng may-ari matapos mabalitaan na naibalita sa Brigada News FM na ibebenta kung walang aangkin na may-ari makaraang mahuli.
Maliban rito, sa Barangay III ay may umangkin na rin sa ibang baka subalit hindi pa kinukuha.
Samantala, patuloy ang panawagan ng mga opisyal ng barangay na maging responsable ang mga may alagang hayop sa pagbabantay.