Ukraine, tuluyan nang pinutol ang diplomatic ties nito sa Russia

Tuluyan nang pinutol ni Ukranian leader Volodymyr Zelensky ang diplomatic relations ng Kyiv sa Moscow bilang sagot sa pananakop ng Russia.

Inihayag ito ng Ukranian leader sa isang video message.

Nagsisilbi na ito bilang unang beses na naputol ang ugnayan ng dalawang bansa mula nang maging independent countries ang Russia at Ukraine kasunod ng pagbagsak ng Soviet Union noong 1991.

Read More:  Gatchalian elected Senate President Pro Tempore

Samantala, tiniyak naman ni Zelensky na sapat ang resources ng Ukraine para dipensahan ang sarili nito mula sa malawakang pag-atake ng Russia.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Nangako rin si Zelensky sa mga mamamayan ng Ukraine na aalisin nito ang mga sanctions sa kahit na sino na handang sumabak sa territorial defense.