Ukraine, ibinahaging wala pang official peace outreach mula Russia

Kinumpirma ng isang top Ukraine official na wala pang opisyal na tawag ang Moscow sa Kyiv kaugnay sa peace negotiations.

Pero sakali mang mangyari umano ito, kailangan muna ng Russia na lubusang iatras ang kanilang pwersa para may maganap na pag-uusap.

Ayon kay Andriy Yermak, Ukrainian presidential chief of staff, na ang anumang pag-uusap na hindi alinsunod sa Ukrainian sovereignty at territorial integrity sa loob ng limits ng kanilang internationally recognized borders ay hindi umano tatanggapin.

Ang pahayag ni Yermak, ay matapos ibasura ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang ideya ng “short truce” sa Russia, dahil lalo lang itong magpapalala sa gulo.

Para kay Zelensky, ang totoo, at long-lasting at honest peace ay mangyayari lang sa pamamagitan ng complete demolition sa aggression ng Russia. //MHEL PACIA