TVJ, opisyal nang lilipat sa Kapatid Network

Magkakaroon na ng bagong tahanan ang iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng Dabarkads.

Ito ay dahil tuloy na tuloy na ang paglipat ng TVJ at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa TV5.

Kinumpirma ng MediaQuest Holdings Inc. — na nagmamay-ari sa TV5 — ang pakikipag-partner nila sa batikang komedyante at noontime show hosts sa isang pahayag na inilabas kahapon.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

“I’m honored that these pillars of the Philippine entertainment industry have agreed to work with us,” wika ni MediaQuest president at Chief Executive Officer Jane Basas.

Read More:  Maris Racal distributes’free bigas’ to celebrate showbiz milestone

Maaalalang nitong May 31 nang magpaalam ang mga haligi ng “Eat Bulaga!” sa Television and Production Exponents Inc. o TAPE Inc., na siyang nagpro-produce ng palabas.

Bukod kina Tito, Vic at Joey, sinundan ito ng mass resignation ng mga sikat nilang hosts kasama na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, Maine Mendoza, Ryzza Mae Dizon, Wally Bayola at Ryan Agoncillo.//CA