Alden umaming may pinagdaraanan sa kanyang personal life

Inamin ng Pambansang Bae at tinaguriang “Asia’s Multimedia Star” na si Alden Richards na may pinagdaraanan siya sa kanyang personal life.

Ito ay kasunod ng kanyang cryptic emoji post sa Instagram na pinabulaanang para sa mga bagong host ng “Eat Bulaga.”

Sabi ni Alden sa isang panayam, “May pinagdaraanan lang na personal pero small things lang naman. Nothing that I can’t handle,”

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Binigyan kasi ng malisyosong kahulugan ng mga netizens ang Instagram story ni Alden.

Si Alden ay isa sa mga naging host ng “dating Eat Bulaga” at alam naman ng lahat na malaking-malaki ang naging epekto nito sa kaniyang showbiz career, lalo na’t sumikat nang husto ang tambalan nila ni Maine Mendoza na “AlDub” dahil sa Kalyeserye.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Sa huling bahagi ng panayam, nagpaabot din si Alden ng mensahe para sa iconic trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon.

“To the TVJ, know that kahit ano pa man po ang mangyari, my loyalty ‘yong sarili ko is for them regardless.”//CA