Magsisimula sa kalagitnaan ng Enero sa susunod na taon ang nakaplanong limang taong pahingang operasyon ng Philippine National Railways (PNR) Tutuban-Alabang line.

Ito ay upang bigyang-daan ang mga civil projects ng North-South Commuter Railway.
Tinataya ng PNR na aabot sa 35,000 pasahero araw-araw ang maaapektuhan sa nasabing pansamantalang pagsasara.
Binuksan naman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang tatlong ruta para sa mga operator ng public utility vehicle, mga bus at modernong jeep para matulungan ang mga commuters na apektado ng pagsasara ng ilang istasyon ng PNR.