LEGAZPI CITY – Inihayag ng Legazpi City Tourism na unti-unti nang bumabalik ang sigla ng turismo sa lunsod ng Legazpi.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Head of Legazpi City Tourism Angela Marie Pacres, walang tigil ang kanilang opisina sa paglilibot at pagmo-monitor ng mga tourism establishment upang masiguro na ang mga ito ay sumusunod sa mga health and safety protocol.
Dagdag pa nito, nagpapatuloy ang pagko-kolekta nila ng mga statistics upang makita sa mga datos ang tuloy-tuloy na pagtaas ng bilang ng mga turistang bumibisita sa lunsod.
Panawagan naman ni Pacres sa mga Legazpeños na sama-samang magtulungan upang patuloy ang pagsigla ng turismo sa lunsod ng Legazpi na tinaguriang City of Fun and Adventure.