Bilang ng bicolanong OFWs na natulungan ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program ng OWWA Bicol, bumaba sa taong 2021

LEGAZPI CITY – Umabot sa 724 na mga bicolanong Overseas Filipino Workers (OFW) ang natulungan ng “Balik Pinas, Balik Hanapbuhay” program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Bicol sa taong 2021, mas mababa kumpara noong 2020 kung saan aabot sa mahigit 900 OFWs ang natulungan ng nasabing programa.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Ayon kay OWWA Bicol OIC Regional Director Jenivie Diaz Argullo, mas marami ang natulungang OFWs sa taong 2020 dahil kasagsagan ito ng COVID-19 sa bansa.

Dahil dito, marami ang nagsipag-uwiang OFWs noong 2020 kung saan ilang kompanya sa ibang bansa ang nagsara at nagtanggal ng mga empleyado.

Read More:  Parked SUV hit by gunfire in Kidapawan City

Samantala, sa pagpasok ng 2021 ay kaunti na lamang ang humingi ng tulong mula sa tanggapan, ngunit mayroon pa ring bumalik sa ibang bansa upang mulin magtrabaho.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagtulong ng OWWA sa mga nagsisipag-uwiang OFW sa bansa.