Tumatakbong barangay kapitan sa General Luna, Quezon, sugatan sa pamamaril

Sugatan ang isang kandidato para sa pagka-kapitan matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa Barangay Malaya, General Luna, Quezon nitong Huwebes, Oktubre 26.

Kinilala ang biktima na si incumbent barangay Kagawad Ruben Pasia Ilagan, 63-anyos.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, naglalakad noon pauwi ang kagawad matapos dumalo sa isang pagpupulong malapit sa Barangay Hall nang dumating ang mga suspek at saka apat na beses na pinagbabaril ang biktima.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa kanang dibdib si Ilagan kung kaya isinugod ito sa hospital para malapatan ng lunas habang tumakas naman ang mga suspek patungo sa direksyon ng Lopez, Quezon.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Kaugnay nito, mariin ding kinondena ni General Luna Mayor Matt Florido ang pamamaril sa nasabing kagawad at inihayag na wala umanong puwang ang ganitong uri ng karahasan ngayong panahon ng halalan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *