Tumataas na kaso ng acute gastroenteritis sa Baguio City – pinaiimbestigahan

Iniutos ni Mayor Benjamin Magalong sa kanyang health emergency team ang agarang imbestigasyon at patuloy na testing ng mga tubig sa Baguio City.

Ito ay matapos ang patuloy na pagtaas ng kaso ng acute gastroenteritis sa kanilang lungsod.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Ayon kay Magalong, upang maresolba ang problema rito ay kailangan nilang hanapin ang ‘common denominator’ sa kanilang mga nakalap na datos upang matukoy ang pinanggalingan ng kontaminasyon.

Kaugnay nito, napagpasyahan ng mga ito ang paggamit ng total dissolved solid (TSD) testers para sa rapid testing ng 218 na establisyamento at 80 kabahayan kung saan naitala ang insidente.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Dito, ang lahat ng mga magpopositibo ay isasailalim sa confirmatory microbial analysis.

Samantala, patuloy naman ding pinaalalahan ng awtoridad ang mga taga-Baguio na tiyaking pakuluin muna ang tap o filtered na tubig bago tuluyang inumin.