Tulong pinansyal, inaasahang maipamahagi ng kapitolyo sa susunod na linggo

Inaasahan sa susunod na linggo pa  maipamamahagi ng Provincial Government ang tulong pinansyal para sa mga nawalan ng bahay dahil sa bagyong Odette.

Ayon kay Provincial Information Officer Christian Jay Cojamco, nagkakahalaga ng  5 thousand hanggang 10 thousand pesos ang ibibigay sa mga lubhang naapektuhan.

Read More:  Gunman arrested after shooting near school in Cebu City

Ang ayudang ito ay ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na 118 million pesos, maliban pa dito ang inilaan na 30 million pesos mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Kaugnay nito, titiyakin ng Provincial Government na mabibigyan ng financial assistance ang lahat ng pamilyang nawalan ng bahay upang makapagsimula silang muli.