Tulfo, iginiit na itigil ang pagpadala ng high-ranking personnel sa China

Iginiit ni Senador Raffy Tulfo na itigil ang pagpapadala ng high-ranking personnel sa China para mag-aral at magsanay sa Chinese military academy dahil ito’y sampal sa mukha ng mga Pilipino.

Matapos malaman ni Tulfo na binabayaran ng Chinese government ang gastos ng mga Armed Forces of the Philippines (AFP) officials na sumasailalim sa ensayo at pag-aaral sa Beijing sa gitna ng panggigipit sa mga sundalong Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

Read More:  House prosecutor opposes online voting in Sara Duterte impeachment trial

Ayon sa senador, isang ‘malaking kahangalan’ kung patuloy pa ring tangkilikin ng AFP ang mga bagay na galing sa Tsina.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Sa huli, maghahain ang mambabatas ng resolusyon na naglalayong imbestigahan ang mga gawi ng defense sector, at inilarawan niyang “nakakabahala” ang ginagawa ng ahensya para sa soberanya ng Pilipinas.