Iminungkahi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na i-boycott ang mga produkto at kumpanya mula sa China.
Matapos binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard (CCG) ang sasakyang pandagat ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Zubiri, wala nang major projects na hawak ng Chinese-owned lalo na state-owned corporations sa Department of Transportation (DOTr).
Sa huli, plano ng mambabatas na makipag-usap sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para hindi na maging prayoridad ang pagkuha ng kumpanya na pagmamay-ari ng isang Chinese.
