Tulay na nag-uugnay sa Pangasinan at Zambales, pinasinayaan na

Pinasinayaan na ang isang tulay na nag-uugnay sa Barangay Potol, Infanta, Pangasinan at Barangay Guisguis, Sta Cruz, Zambales na tinawag na ‘Potol-Doliman Bridge.

Ito ay proyektong pang-istruktura ng Provincial Government na layong mas maging mabilis ang daloy ng transportasyon sa dalawang lalawigan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Kamakailan lamang ay pinasinayaan ang tulay kung saan mismong si Governor Jun Ebdane, Provincial Engineer Domingo Mariano at mga opisyales ng lokal na pamahalaan ng Sta Cruz ang nagbukas ng tulay bilang seremonya.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Inaasahang sa pamamagitan nito ay mas magiging mabilis at maayos ang daloy ng kalakalan.//Russell Banawa-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Zambales for the People