Aabot sa 23 piraso ng contact lens, naipon sa mata isang babae sa California

TRENDING ngayon sa social media ang video na ibinahagi ng Ophthalmologist na si Dr. Katerina Kurteeva mula sa California hinggil sa babaeng nakuhanan ng mahigit 20 piraso ng contact lens sakanyang mata.

Sa TikTok video na ibinahagi ng doctor, makikita ang isang babaeng senior citizen na sumasailalim sa simpleng proseso ng operasyon  kung saan gamit ang cotton buds ay maingat na tinatanggal ng doctor ang nasa 23 contact lenses na na-stocked sa talukap ng ginang.

Batay sa ulat, ilang linggo na umanong nakakaranas ng pananakit ng mata ang ginang kung kaya’t minabuti niyang magpasuri sa doctor sa mata.

Sa unang diagnosis ni Dr. Kurteeva, inakala niyang ang pananakit ay sanhi lamang ng impeksyon o scratch sa cornea hanggang sakanyang makita na naipong contact lenses sa mata ang pinakasanhi nito.

Ayon kay Dr. Kurteeva, ibinahagi niya ang naturang video upang paalalahanan ang publiko na huwag itutulog ang contact lens at ugaliing tanggalin ito matapos gamitin.### JDR