Truck at bus bawal munang dumaan sa Pagsangahan Bridge- DPWH

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Public Works and Highways na bawal munang dumaan ang mga truck at bus until further notice sa Pagsangahan Bridge, Maharlika Highway, Barangay Pagsangahan, Basud, Camarines Norte.

Ito ay dahil sa isinasagawang widening ng naturang tulay at improvement sa kalsada para na rin sa kaligtasan ng traveling public.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Gayunman, hanggang kahapon ay mapapansing may mga truck at bus pa rin na dumadaan.

Sa text message sa Brigada News FM Daet ni District Engineer Edwin Bermal inihayag nito na ang proyekto ay sa Regional Office.

Gayunman sinabihan na umano nila na maglagay ng Traffic advisory  at mayroon na umanong mga inilagay para maipaalam sa publiko.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Maaari namang dumaan sa tulay ang mga light vehicle at PUVs.

Habang ang mga truck at bus ay inaabisuhang gamitin ang Andaya- Quirino by- pass road.

Nag abiso na rin ang Basud Municipal Police Station sa mga motorista at riding public sa pamamagitan ng kanilang official facebook page.