Trimobile driver’s at operators, sa Naga City, umaasa pang matatanggap ang isang libong fuel subsidy na ipinangako ng Gobyerno

NAGA CITY – Ilan sa mga trimobile driver’s at operators sa Naga City, umaasa pang matatanggap ang isang libong piso na fuel subsidy na ipinangako ng Gobyerno Nasyonal sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Sa panayam kay Vice President ng ETODA, Allan Valenzuela, hanggang ngayon kasi ay wala pang update sa kanila hinggil sa nasabing subsidiya, malaking bagay rin sana ito upang makabawas sa gastusin sa gasolina.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Nararapat din daw na kahit papaano makatanggap sila, lalo na’t mataas pa rin ang presyo ng gasolina, at mahal pa ang ilang pangunahing bilihin.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Kung sakali man na may budget na dapat aniya na ipaalam din sa kanila, nang masimulan na rin ang pamamahagi.

Una na ring sinabi ni Federation President ng E-Trike/Trimobile Operators and Drivers Association, Kagawad Gil Belen ng Brgy. Dayangdang, na hinihintay pa nila ang nasabing subsidiya.