Trillanes, inakusahan si ex Press. Duterte na pasimuno umano sa destabilization

Inakusahan ni dating Senador Antonio Trillanes si dating Pangulo Rodrigo Duterte na pasimuno umano ng destabilization efforts laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sinabi pa ni Trillanes, na si Duterte lang ang may matinding motibo para magpasimula ng kudita.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Dagdag pa niya na hanggang ngayon may ugnayan pa rin umano si dating pangulong Duterte sa retirado at aktibong general.

Umugong ang usapin na ito ng mabanggit ni Armed Forces of the Philippines Romeo Brawner Jr. sa isang talumpati ang destabilization efforts laban sa pamahalaan.

Read More:  OVP’s ₱785.2 million budget passes Senate committee in 16 minutes

Ngunit nilinaw ng AFP na-misquote lang si Brawner ng media.

Nilinaw na rin ni Duterte na wala siyang kinalaman sa napabalitang destabilization plot laban sa Marcos administration.