Tricycle driver, patay matapos pagbabarilin sa Tanauan City, Batangas

Patay ang isang Tricycle Driver matapos na pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. Natatas, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ang biktima na si Jose Tiamzon, 36 anyos, residente ng Brgy. IV, Tanauan City.

Ayon sa imbestigasyon, alas-12:15 ng umaga ng Hulyo 4, 2022 ng personal na inireport ng mga barangay Police Safety Officer ng naturang lugar sa mga awtoridad ang nangyaring insidente.

Read More:  Grade 3 student dies after alleged punch by classmate in Davao City

Base sa salaysay ng mga ito, habang nakaduty sila sa Brgy. Outpost ng barangay na malapit lamang sa lugar ng insidente ay nakarinig sila ng ilang sunod-sunod na putok ng baril.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Kaagad na nagtungo ang mga ito sa lugar ng insidente at dito na nila nadiskubre ang isang tricycle na nakahinto sa tabi ng daan at ang wala ng buhay na biktima na may tama ng bala ng baril sa ulo nito.

Sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring insidente.