Tricycle driver natimbog sa buybust operation sa bayan ng Daet

CAMARINES NORTE – Isang 47-anyos na lalaki na pinaghihinalaang tulak ng iligal na droga at kabilang sa listahan ng Street Level Individual ng PNP ang nadakip ng mga tauhan ng pinagsanib pwersa ng mga otoridad sa ikinasang buybust operation nitong Hunyo 8, 2021, dakong 7:15 ng gabi sa Purok 1,  Barangay IV, Daet, Camarines Norte

Ang suspek ay kinilalang si RUEL DE LARA CU, 47 anyos, isang tricycle driver at residente ng Zabala Street, Purok 1, Barangay IV, Daet, Camarines Norte.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Narekober sa pangangalaga ni CU ang isang (1) piraso ng maliit na pakete ng pinaghihinalaang “Shabu” (buy-bust drug item); Isang (1) limang daang piso (Php 500.00) na marked money;  Isang (1) piraso ng katamtamang laki ng pakete na naglalaman ng anim pang (6) maliliit na pakete na pinaghihinalaang shabu ; isang (1) pirasong nakatiklop na papel ng Small Town Lottery na naglalaman ng isang (1) maliit na pakete ng pinaghihinalaang “shabu”.

Ang halaga ng mga nakumpiskang iligal na droga ay may tinatayang halaga na humigit kumulang apat na libong piso (Php 4,000.00) na may tinatayang timbang na isang (1) gramo.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Ang nasabing suspek ay nasa kustodiya na nang Daet MPS para sa pagsampa ng kasong paglabag sa Sections 5 and 11, Article II of RA 9165 laban sa suspek.