Tricycle driver kabilang sa mga nasisita sa one time big time operation sa Naga City

NAGA CITY – Ilang mga trimobile driver sa Naga City, kabilang sa mga nahuhuli dahil may violations ang mga ito sa nagpapatuloy na One Time Big Time Checkpoint Operation ng pulisya, batay na rin sa inilabas na ulat ng Naga City Police Office.

Isa ito sa kondisyon na sana ay maiwasan ng mga trimobile driver sa pagbabalik ng P15.00 na pasahe sa bawat pasahero, ang lumabag sa pulis trapiko, tulad ng overcharging, overloading, reklamo ng mga pasahero at dapat kompleto sa mga papeles mula sa minamanehong sasakyan at dapat may hindi expired na lisensiya.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Kaugnay, inihayag sa media at sa Brigada News FM Naga ni City Administrator Elmer Baldemoro na dapat laging alalahanin ng mga ito ang mga nabanggit ng mga kondisyon para iwas-huli sa checkpoint.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa mga pasahero naman na biktima ng maling gawain ng mga driver, magreklamo sa mga otoridad at huwag agad magpo-post sa social media, dagdag pang paalala ni Baldemoro.

Nagpapatuloy ngayon ang One-Time Big-Time Checkpoint Operation sa lungsod at maraming mga sasakyan ang na-impound dahil nga sa mga violations ng mga driver.