Tricycle driver, arestado matapos ini-i-stalk ang isang dalagita sa Cavite

Arestado ang isang tricycle driver na stalker sa isang Grade 8 student sa Naic, Cavite.

Sinundan pa nito ang 14-anyos na biktima sa paaralan upang iabot ang isang sulat sa dalagita.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Hindi lamang ito basta sulat ng paghanga dahil nakapaloob dito ang umano’y kalaswaan na nais mangyari ng suspek.

Kasama ng sulat ay isang cellphone para pang-text sa estudyante sakaling pumayag ito sa kasunduan at babayaran pa ng P7K ang dalagita.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Mayroon ding P200 na pamasahe at nangako pang ’30 minutes’ lang daw ang itatagal.

Payo ng Naic Police sa mga kabataan, huwag matakot na isumbong ang mga nagaganap na karahasan sa mga otoridad.