Travel ban, target ipatupad vs Climate Change Commission sa 2023

Maari umanong ma-ban ang mga opisyal ng policy-making body ng gobyerno para sa climate change na makabiyahe sa abroad sa 2023, matapos mapuna ng mga senador ang 20 trips na ginawa ng mga ito sa loob ng pitong buwan.

Ayon kay Sen. Imee Marcos, 13 taon nang umiiral ang naturang body pero maliit lang ang kanilang naipakita, maliban sa mga international travels at kanilang carbon footprint.

Read More:  Madriaga included in VP Sara impeachment witness list

Dahil dito, magmumungkahi si Marcos ng probisyon sa ilalim ng budget ng commission sa General Appropriations Bill, na hindi pahintulutan na makapag-travel ang mga ito, maliban na lamang kung labis na kailangan.

Read More:  NAPOLCOM backs Truth Commission, affirms commitment to accountability

Para naman kay Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang “post-travel reports on necessary travel” ay sapat na.

Samantala, hiniling ni Legarda ang commission na magsumite ng 20 reports sa kanilang mga bagong trips, maliban sa iba pang mga impormasyon sa lahat ng pondo at proyekto na na-access ng gobyerno. //MHEL PACIA