Transport strike ipinatupad na ngayong araw ng grupong Manibela

Itinuloy ng iba’t ibang transport groups ang transport strike ngayong araw, na nagpoprotesta sa public utility vehicle modernization program matapos harangin umano ng ilang opisyal ang negotiation meeting sa Malacañang kahapon.

Ayon kay Manibela president Mar Valbuena, hindi nakarating ang liham nila kay Pangulong Bongbong Marcos sa kabila ng pangako noong nakaraang pagpupulong sa Malacañang, na ang mga alalahanin ng transport groups ay matutugunan.

Dagdag pa nito na may mga taong ayaw maayos ang kanilang problema upang hindi malantad ang kanilang katiwalian.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Hindi bababa sa 500 ruta mula sa kabuuang 785 ruta sa Metro Manila ang sasama sa transport strike ngayong araw, na siyang dahilan ng pagkansela ng ibang klase sa iba’t ibang lugar.

Manila nag-alok ng libreng sakay para sa mga commuter na apektado ng stransport strike

Nagpakalat ang lokal na pamahalaan ng Maynila  ng mga emergency vehicle at electric tricycle para magbigay ng libreng sakay sa mga commuters na apektado ng tigil pasada.

Ang naturang strike ay pangungunahan ng transport groups na Piston at Manibela.
Ang tigil pasada ng grupo ng Manibela ay paraan nila bilang protesta na suspendihin ang December 31 deadline para sa consolidation ng mga prangkisa sa mga traditional jeep.

Read More:  PNP to deploy more personnel around Senate amid political tensions

Nakikipag-uganayan na ang Metropolitan Manila Development Authority sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) upang subaybayan ang transport strike

Dagdag pa nito na ang mga emergency vehicle ay inilagay sa mga lugar na apektado ng transport strike.

READ MORE:

Ilang paaralan nagpatupad ng online classes ngayong araw dahil sa transport strike