Transport sector at iba pang stakeholders dumalo sa Central Luzon Traffic Summit

Nagtipon-tipon ang mga nasa sektor ng transportasyon at iba pang stakeholders sa isinagawang Central Luzon Transport Summit 2024.

Dito ay pinag-usapan ang mga mahahalagang usapin sa sektor tulad ng fuel subsidy, non-consolidated operators, route amendments, market visibility at iba pa.

Ang aktibidad ay inorganisa ng Confederation of Passenger Transport sa Central Luzon na dinaluhan rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Mabalacat LGU, CDC at iba pang mga opisyal ng gobyerno.

Isinagawa ito nakalipas na Sabado sa Jade Hall Xevera sa Mabalacat City, Pampanga.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: LTFRB Region III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *