Transport group, umapela sa LTFRB na magkaroon ng ‘automatic fare adjustment’

Umapela ang ilang transport group na pag-aralan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng fare adjustment kasunod ang pagtaas ng presyo ng petrolyo.

Ayon kay Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) national president Boy Rebaño, dapat nang magdesisyon ng LTFRB base sa Memorandum Circular No. 2019-035.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Paglilinaw ni Rebaño, nais nilang pag-aralang mabuti ng gobyerno, lalo na ng LTFRB ang memorandum na inilabas ng nakaraang administrasyon.

Read More:  Supreme Court budget ruling may figure in new Marcos impeachment bid

Aniya, kung mapag-aaralan ang memorandum, mababatid na ang naturang ahensya ang dapat magdesisyon kung paano magkakaroon ng fare adjustment.

Matatandaang ini-release ng LTFRB ang Memorandum Circular No. 2019-035, na siyang nagko-cover sa automatic fare adjustment system para sa mga public utility vehicles (PUVs). // SMM