CAMARINES SUR- Sa kabila ng mainit na usapin tungkol sa PUV Modernization at pagcoconsolidate ng mga prangkisa, itinuloy pa rin ng Calabanga Transport Association ang kanilang caravan rally.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Didoy Avila, presidente ng CALTRANSA, labis itong ikinatuwa ng kanilang mga miyembro dahil nakita nila ang suporta mula sa lokal na gobyerno ng Calabanga maging ng mga kapulisan.
Isa pa sa mga inilalaban ng kanilang grupo na hindi maaaring angkinin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga prangkisa ng mga operator sa oras na sumali sila sa isang kooperatiba sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP)
Matatandaan na nagpalabas ng pahayag ang LTFRB kamakailan tungkol sa isyung ito na siya namang hindi sinangayunan ng nasabing grupo.