NAGA CITY- Buhay na buhay pa ang “Pabasa” ang o ang tradisyon na pagkanta ng Pasyon ni Kristo , subalit hindi maikakailang naapektuhan din ito ng pandemya.
Halimbawa sa Calabanga Camarines Sur, ang bayan ay rin kilala sa mga aktibidad may koneksyon sa Kwaresma at Semana Santa, tulad ng Penitential Walk o kilala bilang Alay Lakad at Senakulo.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Mayor Ed Severo, ibinahagi nitong sa monitoring ng bawat barangay karamihan sa mga pamilyang mayroong Pabasa ay hindi na naghahanda ng marami, nililimitahan kasi ang bilang ng tao sa okasyon. Hindi rin naging madali ang pag-ipon ng pamilya sa kasagsagan ng pandemya dahil sa restrictions sa transportasyon.
Ngayong 2022 na kakaunti na ang COVID-19 cases sa bansa, napansin ng LGU na tila nasanay ang ilang pamilya sa naging sistema noong 2020 at 2021 kaya wala silang naobserbahang malalaking pagtitipon.
Naiba man nag pamamaraan, hindi parin naiba ang mensahe ng tradisyon.