Tatlong phreatomagmatic burst naitala sa Taal Volcano sa loob ng 24-oras

Nagtala ng tatlong phreatomagmatic burst ang Taal Volcano sa loob ng 24-oras.

Ayon kay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) nagkaroon ng pagsabog sa bulkan alas-9:30 ng umaga, 9:33 ng umaga, at alas-9:46 ng umaga noong Lunes.

Read More:  Escudero says he would decline VP post if Sara Duterte is removed

Maliban dito walong volcanic earthquakes, kabilang ang volcanic tremor, ang namonitor din sa paligid ng Taal na tumatagal ng hanggang 5 minuto

Nagbuga din ang bulkan ng kabuuang 4273 tonelada ng sulfur dioxide.

Read More:  Palace clarifies Marcos administration’s super El Niño response goes beyond buckets

Kasabay nito nagbabala ang PHIVOLCS sa mga posibleng panganib habang nakataas pa rin ang Alert Level 3 sa Taal, kabilang ang biglaang pagsabog, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, at akumulasyon ng lethal volcanic gas.