Trabaho at klase sa Albay balik normal na ngayong araw matapos lumihis na ang Bagyong Jolina

BICOL—Balik na sa regular na operasyon ngayong araw ang pasok sa lahat ng mga pampubliko at pribadong tanggapan sa lalawigan ng Albay matapos lumihis na ang Bagyong Jolina.

Balik na rin sa normal ang klase sa parehong online at modular learning sa mga paaralan.

Read More:  11 rescued after pumpboat capsizes near Guimaras

Sa Advisory Number 4 ng Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO), binawi na ang unang mga abisong inilabas maliban na lamang sa pagbabawal sa paglalayag ng maliliit na mga sasakyang pandagat.

Depende pa rin kasi ito sa kondisyon ng karagatan at kung mananatili pa ang Typhoon warning signal sa ilang bahagi ng probinsya.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Ipinauubaya naman sa mga lokal na pamahalaan ang decampment o pagpapabalik sa mga residenteng inilikas kahapon dahil sa banta ng bagyo.

Magdedepende pa rin kasi ito sa local risk assessment ng mga local DRRMO sa mga apektadong lugar.###