LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang Albay Provincial Tourism Culture and Arts Office (PTCAO) ng 100% increase sa tourist arrival sa unang semester o sa loob ng anim na buwan sa taong 2022.
Ayon kay Dorothy Colle, head ng nasabing opisina, umabot na sa 435, 139 ang tourist arrival sa lalawigan simula sa buwan ng Enero hanggang buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon,
Aniya, kung ikukumpara ang bilang nito sa tourist arrival ng kasalukuyang taon mas hinigitan na nito ang bilang ng tourist arrival sa taon 2021 na mayroong tala na 405, 456 local and foreign tourist.
Paliwanag nito kung bakit biglang dumami ang turista sa lalawigan ay dahil sa pagluwag o pagbukas ng borders, promotional activities ay naging epektibo sa turista at pagbubukas rin ng tourist destination ay nakatulong rin sa pagtaas ng tourist arrival.
Pinakamalaking naitulong sa pagdami ng turista ang lungsod ng legazpi na mayroong 119, 321 sa unang quarter sinundan ito ng Tabaco, Camalig at iba pang mga bayan at lungsod.
Kung titingnan ang legazpi ang pinakamalaking bilang sa tourist arrival sa Albay dahil nasa kanila conventional facilities na kung saan nagkaroon ng pagtitipon sa convention at meeting.
Sinabi ng opisyal, may mga minimum health protocols na ipinatutupad pa rin tulad ng pagsusuot ng facemask upang maiwasan ang pagkahawa ng sakit na covid 19.