Topacio hinamon ang senado na sampahan ng kaso si Ong kesa patuloy na ikulong

Hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio ang mga senador na kasuhan na ng mga ito si Pharmally Pharmaceutical Corp. director Linconn Ong kese patuloy na ikulong sa detention cell ng senado.

Si Topacio ang tumatayong legal counsel ni Ong na idinetene ng Senado matapos i-cite in contempt dahil sa umano’y pagsisinungaling sa Senate Blue Ribbon hearing.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Ayon kay Topacio dapat bigyan ng pagkakataon ng mga senador si Ong na maipaliwanag ang kanyang sarili sa proper forum.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Iginiit ng abogado na handa nilang harapin kung anu man ang kasong isasampa laban kay Ong subalit kailangan lamang na magkaroon ng due process.

Muli din tinawag ni Topacio ang ginagawang senate blue ribbon hearing bilang ‘kangaroo forum’.