KORONADAL CITY- KINILALA ng Police Regional Office 12 ang mga top performing police stations sa Soccsksargen region sa isinagawang Weekly Oversight Meeting on Anti-Illegal Drugs and Enhanced Managing Police Operations (EMPO).
Ang mga police stations ay isinailalim sa evaluation batay sa mga isinumite ng mga itong report noong June 2022 sa Operations, Intelligence, Police Community Relations at Investigation.
Sa mga Class A municipalities, first place sa buong rehiyon ang M’lang Municipal Police Station na may 98.93% na rating.
Samantala, Pigcawayan Municipal Police Station naman ang nanguna sa Class B municipalities na may 99.05% na rating at Libungan Municipal Police Station ang 1st place sa Class C municipalities na may rating na 90.62%.
Nanguna naman sa mga component cities ang Tacurong City Police Station na may 97.86% na rating habang Saranggani Police Provincial Office ang nakakuha ng unang pwesto sa mga provincial offices na may rating na 98.89%.
