Patay ang siang Sandrei Diaz Bundol, 31 anyos ng Sitio Asinan, Barangay Osmeña, Culion, Palawan
Ito ay matapos siyang tamaan ng bala mula sa home made na baril nitong Biyernes ng hapon, July 8, 2022.
Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, bago ang insidente ay umuwi ang biktima na si Sandrei sa kanilang bahay nang lasing at sumisigaw ng malakas.
Narinig ito ng suspek o ng kanyang ina na si Elena Diaz Cañete, 70 anyos kaya pinapasok siya nito sa loob ng bahay.
Hinanap raw ng biktima ang baril pero nang hindi ito marinig ng kanyang ina ay tinaga nito gamit ang itak ang pinto ng kanilang bahay pero pinigilang siyang makapasok ng suspek (ina) sa loob ng bahay.
Upang maawat ang biktima ay kinuha ng ina sa loob ng bahay ang hinahanap nitong baril at ipinakita sa kanya pero nang hablotin ito ng anak ay aksidente itong pumutok habang nakatutok sa kanyang dibdib ng biktima na agad niyang ikinamatay.
Samantala, ang suspek na si Elena ay nasa kustodiya na ng Culion PNP