Toll rates sa NLEX, tataas simula Hunyo

Tataas simula sa Hunyo 4 ang mga toll fee para sa North Luzon Expressway.

Sa ilalim ng bagong toll fee matrix, ang mga sasakyang pasok sa Class 1 vehicles ay madadagdagan ng P5.00 (P74) Habang P14.00 (P186) naman para sa Class 2 vehicles at P17.00 (P223) para sa Class 3 vehicles.

Ito ay ang mga motorsitang bumibyahe sa open system.

Samantala ang mga bibiyahe naman sa NLEX end-to-end sa pagitan ng Metro Manila at Mabalacat City ay magbabayad ng karagdagang P27.00 (P359) para sa Class 1, P68.00 (P897) sa Class 2, at P81.00 (P995) sa Class 3 vehicles.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *